• justin cabillos: omg. kasi masama DAW matulog ng basa yung hair so gets. kailangan ko pilitin gisingin ang aking diwa.
  • justin cabillos: papashort na talaga ako.
  • lady dela paz: gisingin ang diwa. amp
  • justin cabillos: im practicing my filipino words.
  • justin cabillos: wth.
  • justin cabillos: usap tayo. puro tagalog.
  • lady dela paz: lalim eh.nosebleeeeed
  • justin cabillos: bawal ingles.
  • lady dela paz: sige. gusto ko ang iyong iniisip
  • justin cabillos: tapos idikit natin sa MUKANGLIBRO.
  • lady dela paz: siyeeeeeet) mukhanglibrooooo
  • justin cabillos: alam mo ba kung ano ang mukanglibro?
  • lady dela paz: oo ako nga ay napaisip pa ngunit makalipas ang ilang sandali ay naiintindihan ko na ang iyong ibigsabihin at akoy natawa
  • justin cabillos: napansin kong magaling ka magtagalog at iyong naarok ang aking gustong paratingin.
  • justin cabillos: magaling magaling!
  • lady dela paz: naarok huhu aking kaibigan, hindi ko mapagtanto kung anong ang iyong ibig sabihin na naarok
  • justin cabillos: kaibigan,ang NAAROK ay kasingkahulugan ng NAPAGTANTO.
  • justin cabillos: halos magkasing kahulugan na yun kaibigan.
  • justin cabillos:
  • lady dela paz: ah, salamat ako'y naliwanagan na ngayon
  • justin cabillos: naku kaibigan. ako;y nadismaya ng onti.
  • justin cabillos: kailangan mo pa ng onting paghahasa para maarok mo na ang mga salita sa wikang filipino.
  • lady dela paz: ipagpatawad mo ang aking pagkawalang sanay sa ating wika..magsasanay ako upang maging bihasa.
  • justin cabillos: tama yan.
  • justin cabillos: nang hindi magalit sa iyo ang ating pambansang bayani,si Doktor Jose Rizal. malinaw?
  • lady dela paz: malinaw..akin yang pakatatandaan
  • justin cabillos: mabuti naman. tandaan mo,ang di marunong magpahalaga sa sariling wika ay mas masahol pa sa malansang isda.
  • lady dela paz: ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay mayroon istipnek)
  • justin cabillos: sa tingin ko'y hindi katawatawa ang iyong panloloko.
  • justin cabillos: ito'y hindi bumenta kaibigan.
  • justin cabillos:
  • lady dela paz: patawarin mo ako kaibigan, ngunit hindi matapatan ang iyong mga ibinabahagi sa aking kaalaman kayat ayan na lamang ang nasabi ko
  • justin cabillos: sige. ika'y aking patatawarin pansamantala pero sana'y hindi na maulit ang ganun. pwede ba?
  • justin cabillos:
  • lady dela paz: aking pakatatandaan iyan
  • magaling kaibigan. mabilis. : )) sa uulitin. :))